Thursday, October 2, 2008

Siudad de Tayabas

Tayabas City - with its best Panoramic View!..
Ang Lungsod ng Tayabas ay isang “Second Class City” na matatagpuan sa Lalawigan ng Quezon, Philippines. Ito ang dating Kabisera ng lalawigan. Ayon sa sensus ng taong 2000, ito ay may populasyong 70, 985 tao sa 15, 155 kabahayan. Kilala ang Tayabas sa lambanog (coconut wine) at matatamis na pagkain.

Noong Marso 18, 2007, sa ilalim ng Republic Act No. 9398, isang batas na inililipat ang Munisipalidad ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon bilang isang siudad na tinawag na Lungsod ng Tayabas, sa Tulong ng noon ay Congressman at ngayon Gobernador ng Lalawigan ng Quezon Gov. Rafael P. Nantes ito ay naisabatas.

Ika- 14 ng Hulyo taong 2007, ang munisipyo ay natanggap ang plebisito na nagpapatibay sa paglilipat ng Munisipalidad ng Tayabas, Quezon sa pagiging lungsod nito.



Maari din nating bisitahin ang opisyall na Website nag Tayabas ang http://tayabas.ph/



Pilipinas, Quezon Naman!!

No comments: