Thursday, October 2, 2008

KASAYSAYAN NG LUNGSOD NG TAYABAS


Ang Tayabas ay ipinangalan sa lugar na may “Bayabas” (Guava Tree). Isang araw, may katangitanging magasawa ang dumaan sa lugar na walang kahit ano mang pahintulot, at sa kadahilanang malayo pa ang kanilang pupuntahan , napagdesisyunannilang tumigil muna sa paglalakbay at humanap ng makakain. Noon ay panahon na namumunga ang bayabas, at ang asawang lalaki, ay inisip na ang prutas ay maaaring makain, kumuha siya ng ilan at binigyan ang kanyang asawa. Isang lalaki na katutubo ng lugar ang naparaan sa mag asawa, nagtanong ang mag asawa sa lalaki kung ano ang pangalan ng prutas na kanilang kinakain. At sumagot ang lalaki “Bayabas”, ang pandinig naman ng magasawa na sinabi ng lalaki ay “Tayabas”. Nang marating nila ang kanilang destinasyon, ipinagkalat nila ang pagkakatuklas nila sa prutas at inimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan na pumunta sa lugar na iyon at kumuha ng prutas. Samantala, habang lumilipas ang taon, ang bayabas ay nauubos nasa lugar na iyon, dahil na din sa dami ng puno ng niyog na sumasakop sa buong lupain.

Ang pagkakatatag ng Tayabas ay noong 1578 nang dumating ang mga Franciscano, nagustuhan nila ang klima ditto at ang pagtanggap sa kanila ng mamamayan ng lugar, nagdisisyon silang magtayo ditto ng kapilya. Ayon sa nakatala, ang unang pamahalaan ng bayan ay naitatag noong 1620 ni Don Lucas bilang unang tagapamahala. Taong 1651, dahil na din sa mayaman nitong lugar at mataas na kita ng negosyo at kalakal, ang munisipalidad ng Tayabas ay ginawa bilang kabisera ng Probinsya ng Tayabas (ngayon ay Lalawigan ng Quezon).

Maari din bisitahin ang opisyal na website ng Tayabas City just click here>>.

4 comments:

Marianne Rosas said...

what? I can't understand tagalog???

Unknown said...

you cant understand? why did you search it if you dont understand don't act like you are from other country ang wika ng pilipino ay dapat pinapahalagahan at dapat pinapagaralan

Unknown said...

BoooooOooOOOMMMMMMMM barsssss

Unknown said...

Woah hahahahahaha